IMEG, magdodoble kayod para masawata ang police scalawags

Mas paiigtingin pa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang kanilang law enforcement operations laban sa mga tiwaling pulis.

Ayon kay IMEG Director PBGen. Warren de Leon, sisikapin nilang malinis ang hanay ng Pambansang Pulisya.

Sinabi pa ni De Leon na makakaasa ang publiko sa integridad at tapat na pagsasagawa nila ng mga operasyon.


Kasunod nito, hinikayat ng opisyal ang taumbayan na magsumbong sa IMEG kung may nalalaman hinggil sa iligal na gawain ng mga pulis para ito ay kanilang agad na maaksyunan.

Nitong Biyernes ay matatandaang pitong pulis ang inaresto ng IMEG sa Angeles City sa Pampanga dahil sa pagkakasangkot sa extortion o pangingikil.

Nabatid na mayroon silang ikinulong na drug offender kahit wala pang kasong naisasampa at nangikil umano ang pitong pulis ng pera sa kaanak ng suspek kapalit ng kalayaan nito.

Facebook Comments