Naglabas ang Palasyo ng Malacañang ng Memorandum Order No. 15 na nag-aatas sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) maging sa iba pang law enforcement agencies na ma-deputized sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay may kaugnayan sa nakatakdang Barangay at Sanggunian Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre.
Nakapaloob sa inilabas na Memorandum Order (MO) na inaatasan ang PNP at AFP na agad na makipag-ugnayan sa COMELEC.
Ang hakbang ay ginawa para matiyak ang isang mapayapa, maayos, at credible elections na nakatakda sa darating na October 30.
Ang Memorandum Order 15 ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin at nilagdaan nitong ika labing pito ng Hulyo.
Facebook Comments