Personal na nagpasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamunuan ng Radio Mindanao Networks (RMN) sa pangunguna ni RMN Chairman at President Eric Suniel Canoy.
Ang pasasalamat ay ginawa ng pangulo sa isinagawang courtesy call ng RMN Networks sa Malacañang kaninang alas-2:00 ng hapon.
Sa isinagawang courtesy call unang nagpasalamat si RMN Chairman and President Eric Suniel Canoy kay Pangulong Marcos dahil sa pagpapaunlak nito na makausap siya at makabisita sa Palasyo ng Malacañang ang RMN Family na binubuo ng mga board member, senior executive, network head, department head, station manager at mga supervisor.
Sa courtesy call, inihayag ni RMN Networks Chairman at President Eric Canoy ang pledge of support sa Marcos administration para sa pagbibigay ng mas tamang impormasyon sa publiko.
Kaya naman nagpasalamat si Pangulong Marcos sa pledge of support ng RMN Networks.
Ito aniya ay mahalagang tungkulin ang para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
Ang RMN networks aniya ay naglilinaw ng mga impormasyon patungkol sa gobyerno para maintindihan ng mga Pilipino.
Ito aniya ay malaking tulong para sa national drive ng pamahalaan na magkaroon nang mas matatag na ekonomiya.