2 bagong kaso ng Omicron BQ.1, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng dalawang panibagong kaso ng Omicron BQ.1 subvariant sa bansa.

Batay sa pinakahuling sequencing ng DOH, ang mga naturang kaso ay mula sa Cagayan Valley at Central Visayas.

Dahil dito, pumalo na sa 16 ang kaso ng BQ.1 sa Pilipinas.


Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 536 na iba pang Omicron subvariants.

Kabilang dito ang 353 na kaso ng BA.2.3.20, isang kaso ng BA.4, 21 kaso ng BA.5, 133 kaso ng XBB at 28 kaso ng iba pang Omicron sublineages.

Facebook Comments