
Nagtalaga ng mga bagong opisyal sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa appointment paper na ipinadala kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang mga bagong miyembro ay sina Nestor de Guzman Cuartero, Maria Rosario Garcia Fabregas, at Ma. Cecilia Diaz Villarosa, isang dating reporter at anak ng yumaong broadcaster na si Lito Villarosa.
Pinalitan nila sa puwesto sina Jerry Talavera, Cherry Anne Espion, at Jan Marini Cadungog.
Manunungkulan ang mga ito hanggang September 30, 2026.
Pinayagan na silang manumpa at simulan ang kanilang trabaho, basta’t magsusumite ng kopya ng Oath of Office sa Office of the President at Civil Service Commission.
Facebook Comments









