PBBM, nais mapababa ang presyo ng bigas ASAP!

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapababa ang presyo ng bigas ‘ASAP’ (As Soon As Possible).

Sa ambush interview ng media, sinabi ni Marcos na batay sa kanyang timetable ay nais niyang maibaba sa bente pesos ang presyo ng kada kilo ng bigas sa pinakamabilis na panahon.

Pero aminado ang pangulo na problema ng bansa ang madalas na pagtama ng bagyo.


Sa kabila nito, tiniyak niya na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang ginagawa nitong hakbang para mapababa ang presyo ng bigas at iba pang agricultural products.

“Lahat ng timetable ko yesterday if not sooner. Lahat yan ASAP. I don’t know, we’ll see. Kasi minamalas din tayo sa weather e kaya hindi matiyak kung ano yung magiging production, ano yung magiging supply,” ani Marcos.

Matatandaang sa pagbisita sa Pili, Camarines Sur kahapon, sinabi ni Marcos na umaasa siyang maaabot ang pangarap niyang bente pesos per kilo na bigas.

Bagama’t nasa ₱25 pa sa ngayon ang presyo ng kada kilo ng bigas ay dahan-dahan na aniya itong bumababa at papalapit na sa pangarap niyang ₱20.

Facebook Comments