PBBM, idineklarang “adopted son” ng CamSur

Idineklarang “adopted son” ng Camarines Sur si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inanunsyo ito ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte kasabay ng pagbisita ng pangulo sa probinsya para sa paglulunsad ng ilang mga proyekto.

Dito ay binanggit ng gobernador ang ginawang pagtulong at personal na pagbisita ni Marcos sa probinsya kahit wala pa siya noon sa puwesto.


Noong 2018, ideklarang “adopted daughter” ng Camarines Sur ang noo’y Davao City Mayor at ngayo’y Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ang Camarines Sur ay balwarte ng nakatunggali ni Marcos sa presidential elections na si Atty. Leni Robredo.

Facebook Comments