Malaki ang maitutulong ng satellite data sa aspeto ng agriculture, business at environmental protection.
Binigyang diin ni Pangulong Bongbong Marcos sa harap ng pagnanais nitong magkaroon ng access ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa satellite data.
Ipinaliwanag ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng satellite mapping ay maaari nang mabilang o matukoy ang carbon production at maka-develop ng isang bio-diverse area sa isang partikular na lokasyon.
Paraan din aniya ito para malaman kung may naghihintay na magandang produksyon sa pangisdaan at gabay sa isang agricultural activity.
Mangyayari lang aniya ito ayon sa pangulo kung masimulan na ang mapping sa buong bansa habang kailangan din aniyang ma-maximize ang tie up ng Pilipinas sa iba’t ibang agency sa buong mundo na may kinalaman sa Satellite imaging na tiyak aniyang kapaki-pakinabang sa bansa.