PBBM, nais nang matuldukan ang problema sa baha sa ilalim ng kaniyang administrasyon

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na wala nang Pilipino ang malulubog sa baha sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ito ang pahayag ng pangulo sa kaniyang pagbisita sa Tagum City, Davao del Norte ngayong araw.

Kaugnay nito ay inatasan ng pangulo ang Department of Public Works and Highways na pabilisin ang pagkumpleto sa mga natitirang flood control projects sa probinsiya.


Ayon sa pangulo, iba ang disenyo ng flood control projects ginagawa ngayon ng pamahalaan dahil pwede rin itong ipunan ng tubig na gagamitin sa irigasyon, gayundin sa mga bahay.

Kung kakayanin pa aniya ay lalagyan din nila ito ng solar para makapagge-generate ng libreng kuryente galing sa araw.

Facebook Comments