Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasin ang local drug manufacturing at magkaroon ng sapat supply ng gamkot para sa anumang emergency situation.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ginawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC) at healthcare sector group sa Malacañang kahapon.
Ayon sa pangulo, dahil sa nangyaring lockdown noong kasisimula pa lamang ng pandemya ay naranasan ng bansa ang kawalan ng supply ng gamot.
Kaya mahalaga aniyang palakasin ang local production ng mga essential medicine.
Sinabi ng pangulo, ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ay magtatrabaho kasama ang pribadong sektor para tukuyin ang mga gamot na maaaring gawin sa bansa.
Kailangan aniyang i-maximize ang paggamit ng mga local pharmaceutical manufacturer, lalo na sa produksyon ng basic medicines katulad ng anti-tuberculosis drugs para sa mga mahihirap na Pilipinong may sakit.
Napagkasunduan din sa pagpupulong na ang PSAC ang magmo-monitor ng mga bagong teknolohiya para sa pangkulusugan na magagamit sa mga isolated na lugar sa bansa at irekomenda ito sa DOH at PhilHealth.
Aaralin ng PSAC kung saan maaaring magtayo ng remote diagnostics centers at i- assess ang bagong medical technologies at magiging gastusin.
Dahil naman sa pagnanais ng pangulo na mapababa ang presyo ng gamot at ma-improve ang access sa gamot, isinusulong naman ng PSAC na palakasin ang FDA sa pamamagitan ng information systems.