PNP, walang namo-monitor na seryosong banta ngayong Holy Week

All systems go na para sa Philippine National Police (PNP) ang ilalatag nilang seguridad para sa taunang paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

Kasunod nito, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad para sa nasabing okasyon.

Una nang sinabi ng PNP na magpapakalat sila ng nasa 77,000 mga pulis sa buong bansa para tutukan ang pagbabantay sa mga matataong lugar tulad ng terminal ng bus, mga pantalan, paliparan, simbahan, pasyalan at iba pa.


Itataas din sa full alert ang status ng PNP mula April 2 hanggang 8.

Facebook Comments