Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa back-to-back trip sa Brunei at Singapore ngayong araw.
Bago mag-alas-8:00 ng umaga nang lumipad ang eroplanong sinasakyan ng pangulo patungong Brunei.
Sa pre-departure speech ni Pangulong Marcos, sinabi nitong layunin ng kaniyang biyahe na palakasin pa ang 40 taong ugnayan ng Pilipinas at Brunei.
Magkakaroon aniya sila ng bilateral meeting ni Brunei Sultanate Hassanal Bolkiah, inaasahang malalagdaan ang ilang kasunduan para sa pagpapalakas ng agrikultura, tourism, at maritime at defense security.
Nakatakda ring lagdaan ang Philippines-Brunei MOU para sa tourism cooperation.
Samantala, mula sa Brunei ay didiretso naman si Pangulong Marcos sa Singapore para sa kaniyang keynote address sa The International Institute for Strategic Studies na Shangri-La Dialogue 2024.
Makikipagkita rin ang pangulo sa bagong Presidente at Prime Minister ng Singapore.
Magtatagal ang foreign trip ng pangulo hanggang May 31.