Sen. Risa Hontiveros, handang makipagtulungan para sa pagsusulong ng Divorce Bill sa Senado

Handa si Senator Risa Hontiveros na makipagtulungan sa mga kapwa mambabatas para sa isinusulong na panukalang batas na diborsyo sa bansa.

Ayon kay Hontiveros, bukas siyang makipagtulungan sa mga senador para makabuo ng isang Divorce Law na magiging katanggap-tanggap para sa lahat.

Aniya, titiyakin na ang itutulak na Divorce Bill ay sesentro sa pangangailangan ng ating mga kababayan lalo sa na sa mga kababaihang gusto lumaya sa toxic at mapang-abusong mga relasyon.


Samantala, naunang sinabi ni Senate President Chiz Escudero na pag-uusapan pa nila ngayong naka-recess ang Kongreso kung isasama ba sa prayoridad ng Senado ang Divorce Bill.

Matatandaang nakapasa na sa Kamara ang panukalang diborsyo sa bansa habang sa Senado ay inaabangan naman ang pagsalang nito sa plenaryo.

Facebook Comments