PBBM, nakaalis na para sa kanyang official state visit sa Japan

Nakaalis na si Pangulong Bongbong Marcos at kanyang delegasyon para sa apat na araw na state visit sa Japan.

Sakay ang pangulo at ang kanyang delegasyon sa Philippine Airlines 001 nang umalis kaninang ala-1:00 ng hapon.

Sa departure message ng pangulo, sinabi nitong ang kanyang official state visit sa Japan ay mahalaga at may malaking maitutulong sa foreign policy agenda upang mas maging matatag ang political ties, mapalakas ang usaping pang depensa, security operations at magkaroon ng pang matagalang economic partnerships sa mga mayayamang bansa gaya ng Japan.


Ito ay sa harap na rin ng kinakaharap na problema sa global environment.

Ayon pa sa pangulo, nakatakda silang magkausap ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida at audience kay Emperor Naruhito.

Layon nitong mas mapatatag ang pagkakaibigan ng Japan at Pilipinas dahil ang Japan ang pinaka-reliable partner ng Pilipinas lalo nasa panahon ng krisis at kahit sa kasaganahan.

Mapag-uusapan naman ng pangulo at Prime Minister Kishida ang usapin patungkol sa security at economic relations ng Manila at Tokyo upang mas maipagpatuloy ang commitment para sa mutual peace at prosperity.

Sinabi pa ng pangulo na makikipagpulong din siya sa mga business leader sa Japan para makahiyakat nang mas maraming investors para sa Pilipinas.

Hindi rin mawawala sa schedule ng pangulo ang pakikipagkita sa Filipino community sa Japan bago bumalik sa Pilipinas sa February 12.

Facebook Comments