Imbestigasyon ng Kamara ukol sa hoarding at manipulasyon sa presyo ng Agri products, ngayong araw na isasagawa

Ala-1:30 mamayang hapon na isasagawa ng House Committee on Agriculture and Food ang motu proprio inquiry ukol sa isyu ng hoarding at manipulasyon sa suplay ng mga produktong agrikultural.

Kinumpirma ito ni Quezon Representative Wilfrido Mark Enverga na siyang chairman ng nasabing komite.

Unang binanggit ni Enverga na sa susunod na linggo, February 14 pa ang unang pagdinig ng komite hinggil sa usapin.


Pero paliwanag ni Enverga, nagpasya sila na ito ay paagahin at gawin na ngayong araw dahil sa binibigyang prayoridad ito ni House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments