
Nakakuha ng mababang approval at trust rating si Pangulong Bongbong Marcos Jr., habang mataas naman ang nakuha ni Vice President Sara Duterte .
Batay ito sa 1st Quarter 2026 Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia na isinagawa mula February 27 hanggang March 2, 2026 sa 1,200 adult respondents.
Nakakuha si Pangulong Marcos ng 36% approval, 45% disapproval, at 18% walang pasya.
Sa trust rating naman, 35% ang nagsabing may tiwala sila sa pangulo, 44% ang wala, at 21% ang undecided.
Mataas lamang ang approval rating ng pangulo sa balance Luzon pero lagpak ito sa Visayas at Mindanao habang hati sa Metro Manila .
Taliwas ito sa mga numerong nakuha ng pangalawang pangulo na 55% approval, 27% disapproval, at 18% undecided.
Sa trust rating, 54% ang nagsabing may tiwala sila sa bise presidente, 26% ang wala, at 20% ang undecided.
Mataas ang approval ratings ni VP Sara sa Visayas at Mindanao, hati naman sa Metro Manila habang mababa sa balance Luzon.
Ang survey ay may negative positive 2.8 percent margin of error.










