PBBM, nakatakda nang umalis ngayong araw para sa kanyang apat na araw na working visit sa Japan

Aalis ngayong araw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa kaniyang apat na araw na official working visit sa Japan.

Sa impormasyon mula sa Malacañang aalis ang pangulo mamayang ala-una ng hapon sakay ng Philippine Airlines 001.

Kasama nang pangulong aalis ay ang kaniyang First Lady na si Liza Araneta Marcos.


Kasama rin sina House Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo, Senate President Migs Ziburi, House Speaker Martin Romualdez, at DFA Secretary Enrique Manalo.

Maging si Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alredo Pascual, Energy Secretary Rafael Lotilla, Tourism Secretary Christina Frasco, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, at Communications Secretary Cheloy Garafil.

Una nang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Neal Imperial na pitong key agreements ang inaasahang malalagdaan sa pagitan ng Japan at Pilipinas sa gagawing official working visit ng pangulo sa Japan.

Ang mga kasunduang ito aniya ay may kinalaman sa infrastructure development, defense, agriculture, at information and communications technology.

Facebook Comments