All-out-war laban sa mga hoarders at madadayang traders ng sibuyas at iba pang agri-products, ikinasa ng Kamara

Nanawagan ng all-out-war si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez laban sa mga hoarders at madadaya o mapagsamantalang mga negosyante ng sibuyas at iba pang produktong agrikultural.

Mensahe rin ni Speaker Romualdez sa mga abusadong negosyante, pigilan ang kanilang kasakiman, at ilabas na ang mga iniipit o iniimbak nilang mga agri-product gaya ng bawang at sibuyas.

Inihayag ito ni Romualdez, matapos pulungin ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI).


Hiling ni Romualdez sa mga opisyal ng DA at DTI, tumulong sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso laban sa mga nasa likod ng manipulasyon sa supply at presyo ng agri products.

Facebook Comments