PBBM, nakatanggap ng imbitasyon sa halos lahat ng mga world leader na nakasama nito sa APEC Summit na bumisita sa kani-kanilang bansa

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na halos lahat ng kanyang kapwa APEC Leaders ay inimbitahan siya na bumisita sa kanilang bansa.

Sa Kapihan with the Media, inihayag ng pangulo na lahat halos ng kanyang makausap na kapwa niya lider ay nagpaabot ng kanilang imbitasyon na bumisita sa kanilang bansa.

Sagot naman dito ni Pangulong Marcos, gusto niyang puntahan ang mga imbitasyon pero kailangang isaalang-alang ang schedule lalo na’t marami rin namang dapat ayusin sa Manila.


Una rito ay nagpahayag si Pangulong Marcos na hindi pa siya desidido kung pupuntahan ang imbitasyon na magtungo sa Switzerland sa Enero ng susunod na taon para naman sa World Economic Forum dahil na rin sa dami na ng kanyang biyahe.

Pero sa ikalawang linggo ng Disyembre ay nakatakdang tumungo ang pangulo sa Brussels, Belgium para dumalo sa ASEAN-EU habang kumpirmado na rin ang biyahe nito sa January 3 hanggang January 5 para sa kanyang China state visit.

Facebook Comments