QC-LGU, nagpulong para sa nalalapit na Parade of Stars ng MMFF 2022

57

Nakipagpulong ang Quezon City government sa mga kinatawan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang paghahanda sa Parade of Stars sa Disyembre.

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmote ang pulong kasama sina Quezon City Tourism Department Officer-in-Charge Tetta Tirona at Traffic Management Chief Dexter Cardenas.

Kabilang sa napag-usapan ay ang traffic management plan para sa magiging ruta ng parada at pagtiyak na hindi ito magdudulot ng pagbigat ng traffic at crowd control measure para sa kaligtasan ng mga manonood.


Matatandaang napiling host ng 48th MMFF ang lungsod kung saan gaganapin ang Parade of Stars sa December 23 at ang Gabi ng Parangal sa December 27.

Tampok sa MMFF ang mga pelikulang Pilipino na ipalalabas sa mga sinehan simula sa araw ng Pasko, December 25 hanggang January 7, 2023.

Facebook Comments