
Nakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpanaw ni dating US President Jimmy Carter.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang estilo ng pamumuno ni Carter ay naka-angkla sa paniniwala, pagiging makatao, at pagsusulong ng interes ng mga mas nangangailangan.
Si Carter ay isa rin aniyang tagapag-lingkod na nagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar na nangangailangan nito.
Dagdag pa ng pangulo, nagsilbing modelo rin si Carter para sa paggawa ng mabuti, na pinatatakbo ng pagmamahal sa kapwa nito mamamayan sa halip na pulitika at personal na interes.
Si Carter ang ika-39 pangulo ng Amerika, pumanaw sa edad na 100.
Siya rin ang kauna-unahang naging pangulo na umabot sa nasabing edad.
Facebook Comments









