PBBM, nakikiisa sa mga world leaders para sa mapayapang pagresolba sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagan ng mga kapwa lider sa buong mundo na magkaroon ng mapayapang pag-uusap upang maresolba ang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng pag-bomba ng Amerika sa tatlong nuclear sites ng Iran, na umani ng pagkabahala at kabi-kabilang panawagan sa mga world leader para magkaroon ng mapayapang dayalogo sa pagitan ng mga bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ramdam ng Pilipinas ang alalahanin ng mga lider ng ibang bansa dahil sa umiinit na tensyon sa rehiyon.

Dahil dito, nanawagan aniya si Pangulong Marcos na magkaroon ng mapayapang pag-uusap at diplomasya para maibsan ang lumalalang hindi pagkakasundo.

Hinimok din ng pangulo ang mga bansa na manindigan para sa pandaigdigang kapayapaan para maging matatag ang komunidad ng mga bansa.

Facebook Comments