Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno na gaganapin bukas.
Ayon kay Pangulong Marcos, hinihikayat niya ang mga Pilipino na alamin ang bagong pag-asa at totoong layunin ng buhay sa pagdiriwang ng kapistahan.
Sinabi ng pangulo na sana’y sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno ay maalala muli ng mga Pilipino ang pagmamahal at sakripisyo ng Panginoong Hesus Kristo.
Hinimok din ng pangulo ang mga mananampalataya ng Itim na Nazareno na alalahanin ang mga naranasang pagsubok sa buhay upang ma-renew at magkaroon ng pagbabago sa buhay espiritwal.
Hinikayat din ng pangulo ang mga mananampalataya na magkaroon pa ng mas malalim na koneksyon sa panginoon at maging instrumento ng kapayapaan, pagkakaisa at pagmamalasakit kapwa at bansa.
Sa huli, sinabi ng pangulo na hangad niya ang taimtim at makabuluhang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno.