
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay International Monetary Fund (IMF), Managing Director, Kristalina Georgieva, upang talakayin ang kalagayan ng ekonomiya ng Philippines.
Pinag-usapan sa pulong ang economic outlook ng bansa, ang mga prayoridad ng Pilipinas sa nalalapit nitong pamumuno sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at ang mga repormang isinusulong ng pamahalaan.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga international partner tulad ng IMF upang mapanatiling matatag ang ekonomiya.
Tiniyak din ni Marcos na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang maayos na mga polisiya at reporma upang manatili sa tuloy-tuloy na paglago ang ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments










