Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga kinatawan ng Private Sector Advisory Council (PSAC) ngayong araw sa Malacañang.
Batay sa ulat ng Office of the Press Secretary, isinagawa ang pulong ngayong hapon at tinalakay ang mga rekomendasyon para sa pagpapataas ng lokal na produksyon at suplay ng pagkain sa bansa.
Pinag-usapan din ang mga stratehiya sa paggamit ng teknolohiya sa pagsasaka, pagsasaayos ng pondo at transportasyon ng mga produkto, at ang pagsusuri sa mga polisiya ng National Food Authority (NFA).
Una nang inihayag ng pangulo na mananatili ito bilang kalihim ng DA hangga’t hindi nagiging maayos ang produksyon ng pagkain sa bansa.
Facebook Comments