PBBM, nanawagan na ng drastic na reporma sa bureaucratic para malabanan ang smuggling

Hindi na simpleng reporma sa halip ay drastic na pagbabago sa byurukrasya ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa harap ng nananatili pa ring problema ng gobyerno sa smuggling.

Ito, ayon sa pangulo ay sa harap na rin ng masamang epekto ng pagpupuslit ng mga kontrabando hindi lamang sa local industries maging sa ginagawang tax collection ng gobyerno.

Ayon sa presidente, kailangan nang resolbahin ang hindi matigil-tigil na smuggling kung saan ay halos lahat na aniya ng produkto ay naipapasok nang iligal sa bansa.


Naniniwala naman ang presidente na ang kaniyang ipinupursigeng digitalization sa Bureau of Customs (BOC) ay maituturing na isa sa mga repormang dapat na ipatupad para maayos ang byurukrasya.

Sinabi ng pangulo na napakahalaga ang hakbang na gawing modernized ang BOC at gawin nang digitalized ang mga transaksiyon dito katulong ang Department of Agriculture sa pamamagitan ng data- sharing agreement para mapabilis ang exchange of information partikular sa mga traded agricultural products.

Facebook Comments