PBBM, nanawagan sa ASEAN na ihanda ang marginalized groups, kababaihan at persons with disabilities sa digital future

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na ihanda ang publiko lalo na ang marginalized groups, kababaihan at mga persons with disabilities sa mas pinalakas na digitalization sa hinaharap.

Sa ASEAN summit plenary sa Jakarta Indonesia, iginiit ni Pangulong Marcos jr na ang mga tao ang dapat na palaging sentro ng community building at dapat mabigyan ng empowerement ang magirnalized at vulnerable groups.

Panawagan rin ng Pangulo sa ASEAN na dapat magkaroon ng reskilling at upskilling ang ASEAN citizens para mapanatili ang kanilang papel sa lipunan.


Iginiit din ng pangulo na kailangang masiguro ang digital infrastrature na magtataguyod sa malawak at maasahang access sa harap ng pag-shift o paglilipat ng public services sa digital platforms.

Kaya nanawagan din ang pangulo sa ASEAN sa pagpalalakas ng digital learning opportunities, digital literacy at pag-develop ng transferable skills.

Facebook Comments