Halos 30 pamilya, apektado sa nangyaring sunog sa Maynila

Umaabot sa halos 30 pamilya ang naapektuhan matapos masunog ang isang gusali sa lungsod ng Maynila.

Partikular sa isang residential area sa Globo de Oro sa may bahagi ng Quiapo.

Nagsimula ang sunog ng alas-6:17 ng umaga sa ikatlong palapag ng nasabing gusali kung saan karamihan ay nakatira ang mga kapatid natin na muslim.


Inabot ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ng alas-7:53 ng umaga.

Hindi pa naman mabatid kung anong pinagmulan ng apoy at kung magkanong halaga ng mga ari-arian ang nadamay sa insidente.

Facebook Comments