Bagama’t hindi natuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Dubai, United Arab Emirates kahapon ay itinuloy naman kagabi ang aktibidad ng Filipino community.
Ipinaabot ng pangulo ang kanyang mensahe sa mga ito sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr.
Nakasaad sa mensahe ng pangulo na nanghihinayang ito na hindi nakita ang Filipino Community sa Dubai.
Pero nangako naman ang pangulo na hahanap ng pagkakataon para makapunta sa Dubai at makita ang Filipino Community kasabay rin ng pangakong may mas magandang programa ang ibibigay sa mga ito.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pangulo sa Filipino community sa Dubai sa malaking ambag sa bayan, dahil sipag kahusayan; at pagtataguyod ng serbisyong Pilipino na aniya’y isang kahanga-hangang halimbawa para sa Pilipinas na kinikilala na sa buong mundo.
Matatandaang ilang oras bago ang departure ng pangulo kahapon ay nag-anunsyo itong hindi tutuloy sa Dubai dahil sa important development sa sitwasyon ng 17 Filipino seafarers na bihag ng Yemen rebel na Houthi sa Red Sea.