PBBM, nangakong wala nang guro ang magreretiro ng Teacher 1 kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dedikasyon, sakripisyo, at mahalagang papel ng mga guro ngayong World Teacher’s Day.

Ayon sa pangulo, marapat lamang na suklian ang serbisyo ng mga guro dahil hindi lamang sila nagtuturo ng kaalaman kundi humuhubog ng buhay at kinabukasan ng kabataan at ng bansa.

Kasabay nito, tiniyak ng pangulo na wala ng guro ang magreretiro na Teacher 1 dahil sa ipinatupad ang expanded career progression system na nagbibigay-daan sa mas mabilis na promosyon batay sa kanilang kwalipikasyon.

Binigyang-diin ng pangulo na mas mataas na benepisyo at allowance na ang tinatanggap ngayon ng mga guro sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Kabilang aniya sa mga ipinatupad na benepisyo ang:

▪️ ₱10,000 teaching allowance sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act
▪️ Medical allowance na hanggang ₱7,000 para sa mga kwalipikadong guro
▪️ Special Hardship Allowance para sa mga naka-assign sa malalayong lugar
▪️ ₱1,000 annual incentive tuwing Teachers’ Day

Habang nadagdagan din ng ₱6,000 ang taunang salary subsidy ng mga guro sa pribadong paaralan sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Program

Facebook Comments