
Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat ikulong sa imahe ng mga korap na opisyal ang buong pamahalaan.
Sa kanyang pinakabagong podcast, sinabi ng pangulo na kaya niya isiniwalat ang anomalya sa flood control projects ay upang ipakita na mas marami pa ring matitinong kawani ng gobyerno na nagsasakripisyo para sa bayan.
Giit ng pangulo, hindi lahat ng nasa gobyerno ay tiwali dahil marami aniya ang naglalaan ng oras, nagsusuko ng sariling bakasyon, at pumapasok kahit weekend para matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo publiko.
Dagdag pa ng pangulo, hindi madali ang magtrabaho sa gobyerno kaya nararapat lamang na igalang at kilalanin ang mga masisipag at tapat na lingkod-bayan.
Facebook Comments









