PBBM, naniniwalang mababa lang ang bilang ng mga Pilipinong tamad

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi tamad.

Ito ang paniniwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang mensahe sa isang event sa Parañaque City, sinabi nito na bibihira lamang na Pinoy ang tamad.

Ayon sa pangulo, kung meron man umaasa sa ayuda ng gobyerno, hindi pa rin aniya naaalis ang kagustuhan ng mga ito na kumayod pa rin kahit sa maliit lamang na paraan o negosyo ay kumita pa rin ang pamilya.


Sinabi pa ng pangulo, patunay nito ang 99% ng mga maliliit na negosyo meron sa bansa kung saan 66% aniya ng working force ay kinukuha sa maliliit na negosyong ito.

Sinusubukang gawin aniya ngayon ng pamahalaan katulong ang pribadong sector ay lumikha ng isang ecosystem para sa startups o pagsisimula ng maliliit na negosyo.

Inihalimbawa ng pangulo ang mga Pinoy na gustong magbukas ng beauty parlor, magluto o mag-bake para ibenta maliliit lamang na negosyo na hindi alam kung papano ito ibenta nang malakihan at papano ito gawan ng libro.

Ito aniya ang magiging papel ng pribadong sektor, magturo ng tamang bookkeeping at accounting sa maliit na negosyo para matulungan sila na lumago pa nang husto at lumaki ang negosyo kalaunan.

Facebook Comments