Preliminary investigation sa kaso ni Jad Dera at NBI security personnel, nagsimula na ngayong hapon

Dumating na sa Department of Justice (DOJ) ang mga jailguard ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa preliminary investigation kaugnay sa iligal na pagkakalabas ng high profile detainee na si Jad Dera sa NBI detention facility.

Ngayon hapon ay gumugulong na sa DOJ ang unang imbestigasyon sa naturang kaso.

Sa pagsisimula ng imbestigasyon, inaasahan ng DOJ na madadagdagan pa ang mga makakasuhan.


Naniniwala rin ang kagawaran na may iba pang mas mataas na opisyal na nasa likod nito kaya ito nangyari.

Inaasahan naman ng DOJ na maghahain ng kanilang kontra-salaysay ang mga nasampahan ng reklamo.

Facebook Comments