Bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa probinsya ng Agusan del Sur ngayong araw para pangunahan ang tatlong aktibidad.
Kaninang umaga, ininspeksyon ng pangulo ang itatayong provincial soil science laboratory sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.
Susundan naman ito ng situation briefing sa provincial learning center ng Agusan del Sur, kung saan nakaantabay na ang media, mga alkalde at ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa pagdating ni Pangulog Marcos.
Mamayang hapon naman, pangungunahan ng pangulo ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR) XI.
Ngayon pa lamang ay nakapila na ang agrarian reform beneficiaires mula sa iba’t ibang dako ng Caraga Region na dadalo sa land distribution at turnover ceremony.