PBBM: Pagpapalakas ng alyansa sa mga kaalyadong bansa, gagawin ng Pilipinas upang mapanatili ang katiwasayan sa rehiyon 

Binigyang diin muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang hangarin ng Pilipinas na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon at paninindigan nito sa rules-based order sa harap ng tumataas na geopolitical tension sa Asya.

Sa panayam sa pangulo ng Japanese media, inihayag nitong magpapatuloy ang Pilipinas sa pagbuo ng malalakas na alyansa kasama ang mga kaalyadong bansa na may kaparehong pananaw patungkol sa nangyayari sa rehiyon.

Inamin naman ng pangulo na tumaas pang lalo ang tensiyon sa South China Sea sa mga nakalipas na buwan.


Maikokonsidera ayon sa chief executive na pinakamasalimuot na geopolitical challenge sa buong mundo ang sitwasyon sa South China Sea.

Sa kabila nito sinabi ng presidente na kapayapaan pa rin ang hangad ng bansa habang nagpapatuloy ang komunikasyon sa iba pang mga bansa.

Facebook Comments