ISANG IMPROVISED NA BARIL, NATAGPUAN SA ISANG WAITING SHED SA BAYAN NG LABRADOR

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pagkakakilanlan ng nag-iwan ng isang improvised na baril o mas kilala sa tawag na sumpak sa bayan ng Labrador.
Isang tricycle driver ang nakakita sa nasabing pouch bag pasado alas-otso ng umaga kung saan ay napansin umano nito na isang baril ang nakalagay dito kung kaya’t agad na itinawag sa PNP.
Napag-alaman na isa pala itong improvised na caliber 45 o mas kilala na sumpak subalit walang bala ito nang matagpuan.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang nasabing baril. |ifmnews
Facebook Comments