Ginagawa ng Pilipinas ang lahat ng paraan at mekanismo para maresolba ang isyu sa West Philippine Sea at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi malalaman kung hindi susubukan ang anumang posibleng paraan para masolusyonan ang problema.
Tinitignan din aniya ng pangulo ang pakikipag- usap sa leaders’ level, ministerial, o sub-ministerial level.
Bukas din aniya siyang mapag-usapan ito nang pribado kung ito ang makapagbibigay ng solusyon sa matagal na problema sa pinag-aagawang teritoryo.
Handa aniya itong gawin ng pangulo upang mahinto na ang mga agresibong aksyon ng China sa WPS tulad water-cannoning at lasers, at ang paglalagay ng mga barrier para malayang makapangisda ang mga Pilipino.
Facebook Comments