Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ceremonial turnover ng 1,380 housing units sa St. Gregory Homes Housing Project sa Malabon City ngayong umaga.
Ito ay bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing program ng Marcos administration.
Makakasama ng pangulo sa aktibidad sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben A. Tai at iba pang opisyal ng gobyerno.
Sila ay masasagawa ng mabilisang inspeksyon sa model unit ng na matatagpuan sa Barangay Panghulo.
Batay sa ulat ng NHA, ang model unit ng St. Gregory Homes Housing Project ay kinapapalooban ng isang bedroom, kitchen, dining area, toilet, laundry area at living room.
Una nang inihayag ng pangulo na prayoriad ng kanyang administrasyon na makapagbigay ng murang pabahay para mga Pilipino.
Ang St. Gregory Homes Project at iba pang pabahay sa bansa ay designed para sa mga minimum wage earners, informal settlers at mga nakatira sa mga high-risk areas at danger zones at mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad na gustong magkaroon ng mura, ligtas at komportableng bahay.
Ang Marcos administration ay target na makapagtayo ng 1 milyong pabahay kada taon sa loob ng anim na taon o katumbas ng anim milyong pabahay.