Kontribusyon ng lady jurists sa pagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan, kinilala sa DOJ

Pinarangalan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang natatanging women jurists sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

Ito ay sa katauhan nina Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro – Javier at Las PiƱas City Regional Trial Court Judge Pia Bersamin – Embuscado.

Ayon sa DOJ, malaki ang naging ambag nina Javier at Embuscado sa pagsusulong sa women’s rights dahil sa mga nagawa ng mga ito sa kanilang propesyon.


Sinabi naman ni Justice Javier na makakamit ang gender equity at equality kung parehong magtutulungan ang kalalakihan at kababaihan at kikilalanin ang lahat ng miyembro ng lipunan.

Facebook Comments