Tutungo sa lalawigan ng Nueva Ecija ngayong umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para pangunahan ang ground breaking ceremony ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino.
Alas-10:00 ng umaga inaasahan ang pagdating ng presidente sa aktibidad na gagawin sa Palayan City, Nueva Ecija.
Bahagi ng programa nang nasabing event na tinaguriang “Pamaskong Handog ni Pangulong Marcos Jr., at DHSUD para sa Bayan” ay ang gagawing tour sa nasabing Pambansang Pabahay.
Makakasama ng pangulo sa aktibidad si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar.
Una nang inanunsyo ng Malacañang na target ng Administrasyong Marcos na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon at anim na milyong kabahayan sa termino ng Marcos Administration.