Broadband ng Masa Program, ipupursige ni PBBM sa pamamagitan ng DICT

Sisikapin ng Department of Information Communication and Technology (DICT) ang mas agresibong pagpapatupad ng Broadband ng Masa Program ng Marcos Administration.

Ito ang inihayag sa press conference sa Palasyo ng MalacaƱang ni DICT Secretary John Ivan Uy sa harap na rin ng connectivity at digitalization goal ng gobyerno.

Ayon kay Uy, kanila itong gagawin sa pamamagitan ng libo-libo pang internet connections sa mga tinaguriang geographically isolated and disadvantaged areas.


Inihayag ng kalihim na nailatag na nila ang kanilang plano sa pangulo kabilang na ang kanilang naging accomplishment sa nakalipas na anim na buwan at mga programang kanila nang nailinya sa susunod na taon.

Ngayong taon ayon kay Uy, ay nagawa ng kanilang ahensiya na makapag-bigay koneksiyon sa mga malayong isla sa bansa kabilang na ang mga bulubunduking bahagi ng Northern at Central Luzon maging sa Bicol Region.

Facebook Comments