Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 121st Police Service Anniversary ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw sa kampo krame.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba si Pang. Marcos ang magsisilbing guest of honor at keynote speaker sa kanilang anibersaryo na may temang “Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan, Tungo sa Pagkakaisa Kapayapaan, at Kaunlaran.
Sinabi pa ni Alba na inaasahang maglalabas ng kanyang marching orders at policy guidance ang Punong ehekutibo sa 226,000 mga kawani ng PNP.
Kasunod nito, bilang highlight ng ceremony, magbibigay ng pagkilala ang Pangulo sa mga natatanging kawani ng Pambansang pulisya kung saan dadalo din si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr, at ang bagong PNP Chief na si Police General Rodolfo Azurin Jr.
Samantala, sinabi pa ni Gen Azurin na kasabay nang pagdiriwang nila ng anibersaryo, bibigyang pagkilala din ang mga fallen o nasawing police officers habang ginagampanin ang kanilang tungkulin para lamang matupad ang mandato ng PNP na “to serve & to protect.”