Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng South Cotabato Consolidated Rice Production and Mechanization na sisimulan ngayon alas-9:00 ng umaga.
Sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office, gagawin ito sa Barangay Liwanay Banga, South Cotabato.
Bukod dito, pangungunahan din ng pangulo ang Kadiwa ng Pangulo at distribusyon ng iba’t ibang tulong mula sa pamamahalaan at sasabayan rin ng jobs fair.
Gagawin ito sa Gymnasium Cultural Center sa Koronadal, South Cotabato.
Samantala pagkatapos ng mga aktbidad sa South Cotabato ay didiretso ang pangulo sa lalawigan ng Albay.
Bibisitahin ng pangulo ang dalawang evacuation centers kung saan nanatili ang mga nagsiilikas na residente dahil sa pagaalburuto ng Bulkang Mayon.
Ang evacuation centers na ito ay sa mga Munisipyo ng Guinibatan at Malilipot na gagawin mamayang pasado ala-1:00 ng hapon.
Magsasagawa rin ng situation briefing ang pangulo sa Albay Astrodome sa Old Albay District, Lungsod ng Legaspi.