Mangunguna si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa pagsisimula ng mas puspusang kampanya na may kinalaman sa pagbubuwis mamayang alas-2:00 ng hapon.
Gagawin ito sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Lunsod ng Pasay at makakasama ang chief executive ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na si Commissioner Romeo Lumagui Jr.
Inaasahan sa okasyon na mabibigyang diin ng presidente ang kahalagahan ng ginagawang koleksiyon ng buwis ng gobyerno sa harap ng tinatahak ng administrasyon na lalo pang palakasin ang ekonomiya ng bansa.
Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo noong isang taon ay nabanggit nito na magpapatupad ang kanyang pamamahala ng tax administration reforms sa harap ng inasahang paglago ng ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5 percent ngayong taon.
Magkakaroon aniya ng tax adjustment ang bansa para makahabol sa rapid development dahil sa tina-target na digital economy.