Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbubukas ng NLEX Connector Caloocan– España Interchange Connector Road ngayong umaga.
Ang proyektong imprastrakturang ito ay makapagpapaluwag raw sa daloy ng trapiko sa Metro Manila partikular sa mga area papunta at palabas ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA).
Ang unang 5.15-kilometer section ng 4 lane NLEX-SLEX Connector Road ay magdudugtong sa NLEX Segment 10 sa C3 Road, Caloocan City patungong España Interchange sa España Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Ang 23.2-bilyong pisong NLEX-SLEX Connector Road ay joint implementation project ng Philippine Government sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Manila North Tollways Corporation sa ilalim na din ng Public-Private Partnership o PPP Program.
Habang second section naman ng proyekto ay magmumula sa España hanggang Polytechnic University of the Philippines (PNP) sa Sta. Mesa na ngayon ay minamadali na rin.