PBBM, patungo na ng UK para dumalo sa koronasyon ni King Charles III

Aalis na ngayong araw sa Washington D.C. USA si Pangulong Bongbong Marcos patungong United Kingdom para dumalo sa koronasyon ng bagong hari nito na si King Charles III.

Sa post visit report ng pangulo sa Washington D.C, sinabi nitong mahigit isang oras mula ngayon ay lilipad na siya patungong UK.

Sa Gatwick Airport aniya siya lalapag, upang makita ang operasyon ng paliparan at malaman ang best practices upang mai-apply naman sa Pilipinas.


Bukod sa pagdalo sa coronation ng bagong hari ng UK, makikipagkita rin ang pangulo sa Prime Minister ng UK para matukoy kung anong posibleng pagbabago sa partnership nito sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, target nilang pag-usapan ay may kinalaman sa ekonomiya, trade and investment.

Habang inaasahan na rin ng presidente na mapag-uusapan ang pangangailangan ng UK ng mga health worker mula sa ating bansa.

Facebook Comments