PBBM: Pilipinas, hindi na kailanman magiging sunod-sunuran sa anumang panlabas na pwersa o bantang pananakop

Proud ngayon ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para magkaroon nang tinatamasang kalayaan.

Ito ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ayon sa pangulo, natutuwa ang mga bayani dahil hindi na kailanman magiging sunod-sunuran ang Pilipinas sa mga anumang pwersang panlabas o mga bantang pananakop.


Tiniyak ng pangulo sa mga Pilipino na susuportahan niya ang malayang Pilipinas mula sa nakakasirang political at social conditions na posibleng magresulta sa pagiging bihag muli ng mga Pilipino.

Kaya isang karangalan ayon sa pangulo na maging representante ng Pilipinas para alalahanin ngayong araw ang kabayanihan ng mga Pilipinong bayani na nakipaglaban sa paglaya ng bansa.

Hinikayat naman ng pangulo ang mga Pilipino na magnilay-nilay kung paano binago ng kalayaang ito ang kasaysayan ng Pilipinas.

Apela nito sa lahat na magkaisa, maging makabayan at magkaroon ng malasakit sa isa’t isa.

Sa ngayon kasi ang itinuturing na nakakasirang political at social conditions ay ang kahirapan at kakulangan ng economic opportunities.

Sisikapin ayon sa pangulo ng kanyang administrasyon na makalaya na sa ganitong kahirapan

Mayroon na aniya ngayong Philippine Development Plan para sa susunod na anim na taon na magiging consistent na ipatutupad.

Bawat isa ayon sa pangulo ay may obligasyon para mapanatili ang malayang Pilipinas.

Facebook Comments