Dating AFP Chief of Staff na si General Rodolfo Gaspar Biazon, pumanaw na sa edad na 88

Pumanaw na nitong 8:30 ng umaga si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, senador at kongresista na si General Rodolfo Gaspar Biazon sa edad na 88.

Ito ang kinumpirma ng anak nitong si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

Ayon kay Biazon, mistulang nagkataon na pumanaw ang kaniyang ama ngayong 125th Independence Day ng Pilipinas kung saan naging malaya na sa anumang sakit ang dating sundalong ini-alay ang buhay para sa kalayaan at demokrasya ng bansa.


Si Biazon ay na-diagnose ng sakit ng lung cancer noong July 2022 at sumailalim sa treatment pero ngayong taon ay tinamaan ang dating AFP chief ng sakit na pneumonia ng dalawang beses.

Facebook Comments