Tuluyan nang bumitiw ang Pilipinas sa International Criminal Court o ICC.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa event sa Zamboanga Sibugay.
Ginawa ng pangulo ang desisyong ito matapos ang desisyon ng ICC na huwag pagbigyan ang apela ng Pilipinas na huwag na imbestigahan ang madugong laban kontra iligal na droga noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at noo’y Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald dela Rosa.
Ayon kay Pangulong Marcos wala na ngayong anumang apela ang Pilipinas sa ICC at hindi na kailanman makikipag-usap sa ICC.
Ipagpapatuloy na lang daw ng pangulo ang pagdepensa sa soberanya ng Pilipinas.
At itutuloy rin ang pagkwestyon sa hurisdiksyon ng ICC sa pagsasagawa ng mga imbestigasyon sa Pilipinas.
Bingyan diin pa ng pangulo, hindi na kailanman na makikipagtulungan ang Philippine government sa anumang imbestigasyon ng ICC na ginagawa sa bansa.
Giit ng pangulo, wala nang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil noong March 17,2019 ay pinutol na ng Pilipinas ang ugnayan sa Tribunal.