PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan

Screenshot from RTVM livestream

Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa seremonya sa pagdiriwang ng ika-81 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan na ginawa sa Mt. Samat National Shrine, Pilar, Bataan.

Sa temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino,” nakiisa ang presidente sa wreath laying ceremony.

Ilang foreign dignitaries din ang dumalo sa okasyon, ito ay sina Charge d’Affaires Heather Variava ng embahada ng Estados Unidos.


Dumalo rin si Japanese Ambassador to the Philippines His Excellency Koshikawa Kazuhiko.

Bukod sa pagdalo sa selebrasyong may kaugnayan sa Araw ng Kagitingan, aasahan ang mas maraming presidential activities sa mga susunod pang araw matapos na maka-recharge at makapag-retreat nitong nakalipas na Semana Santa ang pangulo.

Facebook Comments